ROAD CLEARING OPERATIONS

Nagsagawa ng Road Clearing Operations ang San Ildefonso Clearing Operation Task Force sa mga barangay ng Sapang Putol, Poblacion at San Juan bilang pagsunod sa direktiba ng ating Pangulong Rodrigo Duterte at ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa kaayusan at kaluwagan sa mga kalsada.

Katuwang sa clearing operations na ito sina AJ Balisa (Traffic Management Unit-OIC), kawani mula sa MDRRMO, ilan sa ating mga kapulisan, kapitan ng bawat barangay at kanilang mga tanod at sa patnubay ng ating Mayor Carla Galvez- Tan.