Enero 13, 2021

Nasa ikawalong araw na po nang pagkuha at pagre-renew ng business permit para sa lahat ng business owners dito sa ating bayan na hatid ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office at sa patnubay ng ating Mayor Carla Galvez- Tan.

Mayroon po tayong nakagayak na pagkain at inumin para po sa lahat ng ating mga taxpayer handog ng ating Mayor Carla.

Muli po ang ating paalala na kumuha na hanggang ika-20 ng Enero 2021 upang maiwasan ang penalties. Matatagpuan ang Business One Stop Shop sa 2nd Floor San Ildefonso Commercial Complex.

Sumunod din po tayo sa mga ipinapatupad na health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask at faceshield, pagsunod sa physical distancing at pagdadala ng sariling ballpen sa pagkuha ng permit.

#BusinessOneStopShop
#BusinessPermitRenewal
#DisiplinaMuna
#MayorCarla